Tanauan City’s Pride Month Celebration 2024

Pride Month Celebration, masayang ipinagdiwang sa Lungsod: 29 nagagandahang kandidata, nagpakitang gilas sa Miss Gay Tanauan 2024!

Bilang handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa masayang pagdiriwang ng Pride Month sa Tanauan, ginanap nitong ika-28 ng Hunyo ang Miss Gay Tanauan 2024 na nilahukan ng 29 Kandidata mula sa iba’t ibang Barangay.

Kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, binigyang diin ni Mayor Sonny na ang naturang patimpalak ay simbolo na walang maiiwang sektor sa Lungsod ng Tanauan. Aniya, “Ipaparamdam natin sa buong mundo na dito sa Tanauan iginagalang natin ang buhay ng bawat isang Tanaueno.”

Sa pagtatapos nito, hinirang na bagong Miss Gay Tanauan 2024 si Ms. Yumi Ericka ng Barangay Balele, habang si Marykhaye mula Barangay Talaga ang Miss Gay Tanauan Tourism 2024, Samantha Garcia ng Barangay Poblacion 7 bilang Miss Gay Tanauan Charity 2024, 1st Runner up naman si Ms. Raphaelle Gonzales mula Barangay Altura Bata at Ms. Andrea Canobas ng Barangay Sala naman bilang 2nd Runner-Up.

Happy Pride Month at mabuhay ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Lungsod ng Tanauan!

#PrideMonth

Previous South Korean Company POSCO will give CSR Projects

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved