Tanauan City Tripartite Industrial Peace Council Executive Meeting

Tanauan City Tripartite Industrial Peace Council Executive Meeting, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes
Kaugnay sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa mga Tanaueño, isinagawa ngayong araw ang executive meeting ng Tanauan City Tripartite Industrial Peace Council na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang DOLE-Batangas.
Kabilang sa partikular na tinatalakay sa pagpupulong ay ang mga ilulunsad na programa at aktibidad na magpapalakas ng ugnayan ng mga manggagawa, negosyo, at pamahalaan.
Inisyatibo rin ito ng samahan upang mapalakas ang mga interbasyon para sa mahusay na regulasyon at mga patakaran upang maiwasan ang mga suliranin sa pagitan ng mga kumpanya at kanilang mga empleyado.
Previous 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐠𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved