Tanauan City Transport Cooperative 2nd General Assembly

 Tanauan City Transport Cooperative 2nd General Assembly
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan CCLDO at mga drayber at operators ng pampublikong sasakyan sa Lungsod, tagumpay na isinagawa kahapon, ika-27 ng Mayo ang Ikalawang General Assembly ng Tanauan City Transport Cooperative.
Kabilang sa tinalakay ng nasabing kooperatiba ay ang accomplishment report at mga proyektong naisagawa nito sa nagdaang mga buwan. Bukod dito, isa-isang inilatag rin ang mga programang isasagawa simula Hunyo 2023 hanggang Mayo 2024 na layong matulungan ang ating mga tsuper na magkaroon ng dagdag kita at benepisyo.
Samantala, nakiisa naman si Mayor Sonny sa pagbibigay-suhestiyon at konkretong plano para sa mga suliranin ng mga driver at operator ng mga pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng mga programa ng lokal na pamahalaan.
Habang nagpaabot din ng bigas ang ating Ina ng Ikatlong Distrito Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa lahat ng mga miyembrong nakibahagi sa nasabing pagtititpon.
Previous Tanauan City’s Farmers and Fisherfolk Month Celebration

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved