Nagkakaisang mga kawani ng Tanauan City Trading Post tungo sa mas maunlad na Tanauan!
Nakisaya si Mayor Sonny Perez Collantes sa masayang Year-End Party at General Assembly ng Tanauan City Trading Post.
Dito ay personal na pinasalamatan ni Mayor Sonny ang mga nasabing kawani sa buong pusong dedikasyon nila sa paglilingkod sa kanilang tanggapan, mga Tanaueño at mangangalakal sa Lungsod. Bukod dito, nagpaabot rin si Mayor Sonny ng grocery packs para sa kanilang samahan.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.
