TANAUAN CITY TRADING POST (BAGSAKAN), BALIK REGULAR NA OPERASYON NA!

TANAUAN CITY TRADING POST (BAGSAKAN), BALIK REGULAR NA OPERASYON NA!
“Masaya akong makita na balik regular na operasyon na ang ating bagsakan, nakakapaghanap-buhay na nang maayos ang ating mga kababayan” aniya Mayor Sonny Perez Collantes.
Sa pagbisita ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Tanauan City Trading Post ngayong araw, kanyang kinumusta ang mga manininda, mangangalakal at biyahero sa naturang pamilihan upang alamin ang sitwasyon sa pagbabalik regular na operasyon ng naturang pamilihan.
Matatandaang nalubog sa tubig baha ang Tanauan Trading Post (Bagsakan) dahil sa dami ng tubig ulan na iniwan ng bagyong #KristinePH, dahil na rin sa dami ng apektadong kabuhayan, pansamantala rin munang inilipat ang kalakalan sa bungad ng Natatas-Balele Road.
Dahil sa walang tigil na flood pumping at clearing operation mula sa direktiba ni Mayor Sonny, agad naaksyunan ang problema kung saan kinakailangan ang mga heavy equipments upang mapabilis ang operasyon β€” naging katuwang ang iba’t ibang ahensiya partikular na ang DPWH, BFP, PNP, CENRO at GSO para sa kaliwa’t kanang paglilinis ng naturang pamilihan.
Matapos ang walang tigil na clearing operation, balik sigla at regular na operasyon na ang Tanauan City Trading Post (Bagsakan), pinasalamatan din si Mayor Sonny ng mga mangangalakal dahil muli na silang nakabalik sa kani-kanilang mga puwesto at nakakapaghanapbuhay nang maayos.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang paglilinis at pagsasaayos ng lugar kabilang na ang mga napinsalang mga pasilidad.
May be an image of 5 people, speaker and text that says "Homtal Hom Hor."
Previous Sama-sama nating gunitain ang #UNDAS2024!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved