#WalangPasok | Bilang pagbibigay daan sa Pista ng ating mahal na Patron San Juan Evangelista, pirmado na po ang Executive Order No. 31 kung saan ay idineklara po nating “Special Non-Working Day” ang ika-27 ng Disyembre, 2024, araw ng Biyernes.
Nakabatay naman po sa diskresyon ng pamunuan ng mga pribadong sektor ang pag-suspinde ng kani-kanilang mga pasok.
Gamitin po natin ang araw na ito upang magpasalamat sa patuloy na gabay ng ating Patron sa mga Tanaueño at buong Lungsod ng Tanauan. VIVA SAN JUAN EVANGELISTA! 

