๐๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฎ๐๐ง, ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐๐ง!
Sustainable renewable energy ang naghihintay para sa Lungsod ng Tanauan matapos pormal nang buksan ngayong araw ang solar powerplant ng Prime Solar sa Brgy. Malaking Pulo kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa โMaitetโ V. Collantes, Governor DODO Mandanas, Prime Infra President and CEO Mr. Guillaume โGLโ Lucci, Department of Energy Philippines USEC. Rowena Cristina Guevarra at mga kawani at kinatawan ng ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan.
Ang nasabing powerplant ay inaahasang makapaghahatid ng aabot sa 128 megawatts na solar energy para sa 84,000 mga kabahayan. Layunin ng solar powerplant na maghatid ng inobasyon pagdating sa paggamit ng renewable energy laloโt isa ito sa prayoridad ni Mayor Sonny upang matugunan ang kakulangan ng supply ng kuryente sa Lungsod.
Pinasasalamatan naman ni Mayor Sonny ang buong pamunuan ng Prime Solar sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa Lungsod ng Tanauan upang matugunan ang pangangailangan ng bayan pagdating sa enerhiya.
Pinuri rin ni Mayor Sonny ang tuluy-tuloy na Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanya na nakapaghatid ng dagdag trabaho para sa mga Tanaueรฑo ng Malaking Pulo at Santol.