Linggo ng Kabataan Celebration

SK Federation of Tanauan City’s Linggo ng Kabataan Celebration
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at SK Federation President Ephraigme F. Bilog, binigyang-pagkilala sa ginanap na “Linggo ng Kabataan 2024” ang mga kabataang Tanaueño nagwagi sa iba’t ibang aktibidad na isinagawa ng SK Tanauan City.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ng SK Federation ay ang Inter-Cluster Sports League na nilahukan ng 48 Barangay sa Lungsod kasama ang kani-kanilang SK council.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang patuloy na paghahatid ng programa para sa sektor ng Kabataan, partikular na sa larangan ng sports at edukasyon. Aniya, ang pamamaraan ito ng lokal na pamahalaan upang hubugin ang husay at talento ng mga ito na siyang kabahagi din ng pag-unlad ng Lungsod.
Kabilang din sa nakiisa sa naturang aktibidad na ito sina Kon. Czylene Marqueses, SK Federation Vice President Clarence Micosa, CSWD Head Ms. Vicky Javier, Mr. Marco Amurao, Dating Kapitan ng Barangay Ulango Tirso Oruga, Mr. Eboy Alcantara, Mr. Macky Gonzales, Luyos BWCC President Lilibeth Arcega at Engr. Sonny Natanauan.
Samantala, sa darating na ika-07 ng Setyembre naman ay isasagawa rin ang Tree Planting Activity at color Fun Run na bukas para sa lahat ng Kabataang Tanaueño.
May be an image of 10 people and text
Previous 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 — 𝐓𝐑𝐀𝐏𝐈𝐂𝐇𝐄 & 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved