Simoy ng Kapaskuhan, ramdam na ng iba’t ibang Samahan/Organisasyon sa Tanauan!

Simoy ng Kapaskuhan, ramdam na ng iba’t ibang Samahan/Organisasyon sa Tanauan!
Dumalo at nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa isang masayang Christmas party ng iba’t ibang samahan sa ating Lungsod, kabilang dito ang samahan ng Tricycle Operators/Drivers Association (TODA) at Women’s Organization of Darasa (WOOD).
Naging daan naman ito para ihayag sa kanila ng ating Punong Lungsod na patuloy na susuporta ang ating Lokal na Pamahalaan para sa kanilang sektor. Kaniya ring binigyang diin na patuloy siyang kokonsulta sa bawat sektor upang makabuo ng mga programa na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Naging bahagi rin nito ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama si Atty. King Collantes para magpaabot ng suporta sa kanilang samahan.
Mula sa buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, kami ay taos pusong bumabati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng sektor sa ating Lungsod!
Previous Mga Bagong Sound System, tagumpay na naipaabot ng Pamahalang Lungsod sa mga Pampublikong Paaralan sa Tanauan!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version