Shop na sa bagong CARD Indogrosir Tanauan Branch!
Kaugnay sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga namumuhunan sa Lungsod ng Tanauan, naging matagumpay ngayong araw ang pagbubukas ng bagong CARD Indogrosir Tanauan Branch!
Ang nasabing aktibidad ay pagsuporta ni Mayor Sonny sa mga lokal na negosyo dito sa Lungsod na katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya nito at paghahatid ng trabaho para sa mga Tanaueรฑo.
Samantala, ang CARD Indogrosir Tanauan Branch ay matatagpuan sa Purok 2, Brgy. Talaga, Tanauan City kung saan maaaring mamili ng iba’t ibang grocery items ang ating mga kababayang Tanaueรฑo.
