Sen. Bong Go, nagpaabot ng tulong pinansyal para sa mga Batangueño

TINGNAN | Sen. Bong Go, nagpaabot ng tulong pinansyal para sa mga Batangueño ngayong araw
Sa pakikipagtulungan ng ating Ina ng Ikatlong Distrito ng Batangas Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, personal na binisita ni Sen. Bong Go ang ating 1,369 mga Batangueño upang maipaabot ang tulong pinansyal sa ilalim ng programang AICS.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng kaukulang suporta ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong medikal. Bukod dito, ibinahagi rin ni Sen. Bong na patuloy ang pakikipag-ugnayan ang tanggapan ni Congw. Maitet upang maihatid ang mga serbisyo ng Malasakit Center at maging ang Super Health Center sa Ikatlong Distrito.
Bukod dito, naghatid din ng mga grocery packs, wheel chairs, raffle items at sports at medical equipment ang tanggapan ni Sen. Bong para sa ating mga kababayan.
Samantala, nakiisa at nagpaabot din ng suporta sina Mr. Philip Salvador, Atty. King Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny Perez Collantes, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. BGEN. Ben Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo at Kon. Czylene Marqueses na katuwang ng Pamahalaang Lokal at Nasyunal para sa bawat programang ibinababa para sa bawat pamilyang Batangueño.
Previous Ika-50 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version