Seed Capital Fund Cheque For Small Ville SLP Association

Pagbibigay ng Seed Capital Fund Cheque sa Small Ville SLP Association, malaking tulong para sa mga Tanaueño.
Sa inisyatibo ni Senator Alan Peter Cayetano , naabutan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 450, 000 ang Small Ville SLP Association mula sa Poblacion 7, Lungsod ng Tanauan alinsunod sa Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.
Layunin ng programa na patuloy na maalalayan ang mga kababayan na nasa laylayan ng lipunan.
Ang samahan ay magsisimula ng negosyo sa pamamagitan ng pagtitinda ng bigas, itlog at mantika para matulungan at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
Sa mensahe ng Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes, binigyang diin din nito ang kalahagahan ng tulong pinansyal na ibibigay. Aniya, “Mahalaga na pagyamanin ang ibibigay na tulong pinansiyal at magkaisa ang bawat miyembro dahil ang gusto namin ay magtagumpay kayo.”
Samantala, nakibahagi rin sina Pastor Dondon Deloso at Pastor Domer Lando Panganiban ng Crosswalk Christian Church, Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes na kinatawan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Bokal Fred Corona, Mrs. Edna S. Pama, Social Welfare Officer III, Mr. Alvin Libao, Provincial Coordinator of SLP Batangas, Ms. Lane Manimtim, Political Affairs Officer of Senator Pia Cayetano and Senator Allan Peter Cayetano, Ms. Margancelso, Presidente ng Small Ville SLP Association (Poblacion 7), 30 na miyembro ng nasabing samahan, at Mr. Michael Biscocho, kapitan ng nasabing Barangay, at iba pang kawani mula sa DSWD.
Previous 423 Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version