Scoping and Negotiation para sa isasagawang Cultural Mapping, sinimulan na!
Upang mapangalagaan ang mga nakatagong pamana at kasaysayan ng Lungsod ng Tanauan, sinimulan na kahapon ika-24 ng Mayo ang Phase 1 para sa isasagawang Cultural Mapping na layong maprotektahan, mapangalagaan at maitala ang mga nakatagong Kultura, tradisyon at mga pamana mula sa mayamang kasaysayan ng Tanauan.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor, organisasyon at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod upang mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagsuri at pagkalap ng impormasyon at datos hinggil sa mga kagamitan, establisyamento, tradisyon at pagkain na may malaking kontribusyon sa pagkakakilanlan ng Lungsod ng Tanauan.
Ito ay inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang si Committee on Tourism, Archives and Historical Matter Kon. Sam Torres Aquino at Community Affairs Office, habang nagsilbi naman bilang Resource Speaker sina Ms. Gladys Argonza at Sierra Cecilia Alparce-Peñamante mula sa Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining para talakayin ang scoping and negotiation hinggil sa Cultural Mapping.