Salary ng Tanaueño SPES Beneficiaries

Salary ng Tanaueño SPES Beneficiaries, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Tagumpay na ipinamahagi ngayong araw ang sweldo ng mga mag-aaral na sumailalim sa Special Program for Employment Students (SPES) nitong Hulyo.
Ang nasabing pamamahagi ay pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC President Atty Cristine Collantes kasama ang mga kawani ng PESO Tanauan City at City Treasury Office.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga kabataang nakibahagi sa nasabing programa at nagbigay rin ng payo upang maging mabuting empleyado at mamamayan ng Lungsod.
Tiniyak din ng Alkalde na palaging nakasuporta ang Pamahalaang Lungsod sa lahat ng mag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan. Habang pinaalalahanan ang mga estudyante na maging masikap sa pag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Previous 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗕𝗮𝗻𝗷𝗼 𝗪𝗲𝘀𝘁, 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗜𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved