Sagwan Tanauan Dragon Boat Team PCKDF 2023

Sagwan Tanauan Dragon Boat Team, hinirang na Kampyeon sa katatapos lamang na 2023 PCKDF!
Labing walong Dragon Boat Team mula sa iba’t ibang Lungsod at Bayan ang nagtagisan sa 10 Seater Mens Category sa katatapos lamang na 2023 PCKDF Paddles Up, Club Crew Challenge ngayong araw na ginanap sa Binondo Intramuros Bridge, Manila City.
Dahil dito, pinatunayan ng ating mga koponan ang angking husay ng ating mga atleta sa iba’ ibang larang dahilan upang kanilang masungkit ang Kampyeonato ng nasabing kompetisyon.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes ay taos pusong bumabati sa inyong naiuwing karangalan sa Lungsod! Mabuhay ang bawat atletang Tanaueño, Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous 𝑷𝒂𝒈𝒔𝒊𝒍𝒊𝒑 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒏𝒂𝒖𝒂𝒏

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version