Sa tulong ng mga Heavy Equipment, puspusan pa rin ang paglilinis at pagsasaayos sa matinding pagbahang iniwan ng Bagyong #KristinePH sa Tanauan City Trading Post.
Ngayong araw binisita rin Mayor Sonny Perez Collantes ang bagsakan upang tingnan at suriin ito para sa mga karagdagan at kaukulan pang mga aksyon upang mapabuti ang sitwasyon sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan patuloy na ang isinasagawang Flood pumping para sa pagpapabilis na paghupa ng baha.
