Sa pangunguna ni Tanauan City College Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes ay tagumpay na naisagawa ang ika-walong TCC Board Meeting kung saan partikular na tinalakay ang mga plano at programang konektado sa pagpapalakas ng akademikong aspeto nito tulad ng mga sumusunod:
• Recruitment Status para sa mga sumusunod na posisyon:
– Guidance Counselor
– Associate Professor para sa kursong BS Accountancy
– Automotive Trainer
• Proposed Faculty Research na iprinesenta ni TCC Research Director Designated Ms. Imelda Magpantay
• Uniform Design para sa mga mag-aaral na nasa 1st at 2nd years
• Building Design at Relokasyon ng Tanauan City College
Habang ibinahagi naman ni Vice-Chairperson of the Board at TCC College Administrator Mr. Michael Lirio ang kasalukuyang estado ng aplikasyon ng TCC sa pagbubukas ng mga bagong kurso sa nasabing paaralan.
Ang nasabing pagpulong ay aktibong dinaluhan din nina Association of Local Colleges and Universities (ALCU) Representative Dr. Raymundo P. Arcega, Private Sector Representative Mr. Juanito Yabut, President of Faculty Association Ms. Lally Marfa Castillo, NGO Representative Ms. Enrica S. Gonzales, TCC Alumni Association President Yerushalayim Naling at Iskolar ng Lungsod Council President Vince Harris Mangubat.