TULOY ANG LABAN PARA SA KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN!

SA LUNGSOD NG TANAUAN, TULOY ANG LABAN PARA SA KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN!
Bilang pagsisimula ng 18 Day to End VAW sa Lungsod ng Tanauan, nagtipon-tipon ang lahat ng mga kababaihan, mga ahensya ng pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon.
Sa 2nd Gender and Development (GAD) Summit, inihayag ni Mayor Sonny Perez Collantes ang panawagan upang wakasan ang karahasan na nararanasan ng mga kababaihan.
Aniya, bilang mga lider sa lipunan, marapat na manguna sa pagtindig para sa pagsulong ng mga karapatan at pagbuo ng isang ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Dagdag pa ng Punong Lungsod, ang 18-Day Campaign ay hindi natatapos sa pagmulat ng kamalayan, kung hindi sa paggawa ng mga konkretong solusyon at aksyon.
Siniguro rin ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, katuwang si Atty. King Collantes, ang patuloy na pagsulong ng mga ordinansa at batas na layong mas mapaigting ang proteksyon ng mga kababaihan.
Bilang Presidente naman ng Kababaihan sa Lungsod, ipinabatid ni Atty. Cristine Collantes ang kinakailangang suporta mula sa iba’t-ibang sektor sa lipunan at ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga programang nakalaan para sa mga ilaw ng tahanan.
Samantala, nagpakitang-gilas rin ang mga samahan sa ating Lungsod sa pamamagitan ng Indakan sa Tanauan bilang pagpupugay sa mahalagang kontribusyon ng nga kababaihan sa ating lipunan
Previous Bayad-Pinsala sa mga Nasirang Pananim

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved