Sa Lungsod ng Tanauan, mabilis na ang paghahatid ng Tulong Pinansyal para sa pangangailangang medikal ng aming mga kababayan!
Panibagong mga Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ilalim ng Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan CSWD sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernan Manzanero.
Kabilang din sa ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ay ang mortuary assistance para sa pamilyang Tanaueño at incentives para sa senior citizens edad 85-99.
Katuwang sa paghahatid ng programang ito sina Atty. King Collantes, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Mr. Marco Amurao, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, Engr. Sonny Natanauan, ERPAT Pres. Tirso Oruga, former Mabini Kap. Eboy Alcantara at former Banjo East Kap. Macky Gonzales
Samantala, sa mga nais mag-apply ng Medical, Hospitalization at Mortuary assistance, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.