Regnum Christi Medical Mission Team, magsasagawa ng libreng Medical Mission para sa mga Tanaueño!
Sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny Perez Collantes at pamunuan ng Tanauan City Health Office, nagsagawa ng ocular inspection ang Regnum Christi Medical Mission Team at Everest Academy par sa kanilang ihahatid na libreng medical mission para sa mga Tanaueño.
Katuwang si Tanauan CHO head Dra. Anna Angela Dalawampu, ibinahagi nito ang ilan sa mga pasilidad ng Mega Health Center kung saan maaaring isagawa ang iba’t ibang medikal na serbisyo sa darating na Enero 2025.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Sonny sa pamamagitan ni Atty Cristine sa bukas na pakikipagtulungan nito upang masigurong natutugunan ang medikal na pangangailangan ng mga Tanaueño.
