Quarterly Meeting, Awarding of Free Dentures at Coastal Clean-up!

Quarterly Meeting, Awarding of Free Dentures at Coastal Clean-up, isinagawa ng PWCC Batangas INC. sa Balayan!
Bilang Executive Vice President ng Batangas Provincial Women’s Coordinating Council, dumalo si TCWCC President Atty. Cristine Collantes sa regular quarterly meeting nito kasama si Agoncillo Mayor Atty. Cindy Reyes, mga opisyales, board members at mga miyembro nito.
Kabilang sa tinalakay ng samahan ay ang paghahanda sa nalalapit na paggunita sa 18-Day Campaign on Violence Against Women & Children sa Nobyembre.
Kabilang din sa pinaghahandaan ng samahan ay ang pagsasagawa ng year-end evaluation at paglahok sa iba pang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.
Habang kaisa din sa naturang pagpupulong na ito sina Balayan Batangas Mayor JR Fronda at Mayora Leslie Ellao-Fronda (PWCC Auditor) na nagsilbing host LGU.
Samantala, naging matagumpay din ang ipinaabot na Free Dentures para a mga Batangueña mula sa iba’t ibang bayan na inihatid ng Batangas Provincial Government katuwang ang PWCC.
Bukod dito, nagsagawa din ng coastal clean-up drive ang mga miyembro ng PWCC sa baybayin ng Balayan na bahagi ng community engagement ng samahan.
No photo description available.
Previous Budget hearing para sa taong 2025

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved