Programang pangkaayusan, pinaigting ni Mayor Sonny katuwang ang Batangas Provincial Police Director!

Programang pangkaayusan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang bagong Batangas Provincial Police Director!
Binigyang pansin ngayong araw nina Mayor Sonny Perez Collantes at Acting Provincial Director, Batangas Police PCOL Rainerio Magnaye De Chavez ang pakikipagtulungan at pakikiisa ng ahensya sa Pamahalaang Lungsod upang palawigin ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Layon din ng pagpupulong na mapalawak ang ugnayan ng ating Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang ahensya ng ating Lalawigan maging sa ating Pamahalaang Nasyunal. Pagtitibayin din nito ang agarang suporta ng Batangas Provincial Police upang paigtingin ang seguridad ng ating mga kababayan.
Nakibahagi at nakiisa rin si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang ihayag ang kaniyang layunin na mas mabigyan ng proteksyon ang ating mga kababayan hindi lamang sa Lungsod gayundin sa buong Ikatlong Distrito ng Batangas.
Previous ang pag-iisang dibdib ng apat na pares

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved