Bilang bahagi ng paghahanda sa paparating na Super Typhoon #PepitoPH, nagsagawa na ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauana sa pangunguna ng Tanauan Local Social Welfare and Development at City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City ng preemptive evacuation para sa mga Tanaueñong nakatira sa disaster-prone areas.
Kasalukuyan ding nagpapaabot ng relief packs ang lokal na pamahalaan para sa mga Tanaueñong namamalagi sa temporary evacuation areas ng Lungsod.
Kaugnay nito, narito ang mga listahan kung saan maaaring lumikas upang masigurong ligtas ang mga Tanaueño mula epekto ng naturang kalamidad:
• BARANGAY MARIA PAZ – Maria Paz Brgy. Hall and Multi-purpose Building & Maria Paz Daycare Center
• POBLACION 1 – Poblacion 1 Old Brgy. Hall
• BARANGAY BALELE – Balele Elementary School
• BARANGAY BALELE – Balele Queen of All Saints Parish (Non-Government)
Mag-iingat po tayong lahat!