TINGNAN | Personal na binisita ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Pagaspas Kap. Romy Micosa at ang Tanauan Local Social Welfare and Development upang magpaabot ng relief response para sa naapektuhan ng gumuhong bahay sa Brgy. Pagaspas.
Ang nasabing aksidente ay dulot ng maghapong pag-ulang dala ng bagyong #KristinePH. Sa kabutihang palad, ligtas ang apat na miyembro ng pamilyang nakatira sa naturang bahay at kasalukuyang namamalagi sa kanilang kaanak.
