TINGNAN | Patuloy ang pagbisita ni Mayor Sonny Perez Collantes sa Evacuation Centers para sa maigting na pamamahagi ng relief goods para sa ating mga kababayang nasa Wawa Elementary School.
Isang ginang naman ang naging emosyonal sa kaniyang lubos na pasasalamat sa ating butihing Mayor para sa kaniyang pagbisita at ipinaabot na tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH
Samantala, kaliwa’t kanan pa rin ang isinasagawang mga road clearing operation katuwang ang iba’t ibang ahensiya at mga Sangguniang Barangay para sa maayos na daloy ng trapiko at mabilis na pagpapaabot ng mga Relief goods sa bawat Barangay.
