National Day of Mourning

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nakiisa sa National Day of Mourning para sa mga kababayan nating biktima ng Bagyong #KristinePH
Para sa Lingguhang Flag Raising Ceremony, nakataas sa ‘Half-mast’ ang Watawat ng Pilipinas bilang pakikiisa sa National Day of Mourning ngayong araw para sa biktima ng Bagyong Kristine.
Kasabay rin nito ang Lingguhang Ulat bayan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga programa at aktibidad na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod sa nakalipas na mga araw.
• Relief Operations at Relief Packs Distribution para sa lahat ng emergency evacuation areas
• Search ad Retrieval Operation na isinasagawa sa Sitio Mahabang Buhangin katuwang ang mga kawani ng Tanauan CDRRMO, Tanauan City Police Station at Bfp Riva TanauanCity Fs
• Pagtalakay sa inisyal na pinsala na idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura at livestocks
• Pagsusuri sa mga establisyemento at imprastruktura sa Lungsod.
• Malawakang road clearing sa iba’t ibang barangay
• Matagumpay na Turn Over Ceremony ng mga Generator Sets mula sa Honda Philippines, Inc
• Pagsasakatuparan sa Rehabilitasyon ng Water Tank sa Brgy. Trapiche
• Pagpapaabot ng CGT Educational Assistance para sa mga mag-aaral ng Tanauan City College
• Payapang paggunita ng #UNDAS2024 sa Lungsod ng Tanauan
Previous White Cane at Saklay, ipinaabot para sa mga kababayan nating PWDs!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved