Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Mayor Sonny Perez Collantes, binigyang-pagkilala sa Pugay Tanaw 2024 ng DepEd Tanauan City!
Kinilala ang dedikasyon sa serbisyong pang-edukasyon ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa katatapos lamang na Pugay Tanaw 2024 ng DepEd Tayo – DepEd Tanauan City.
Kaugbay ito sa hindi matatawarang dedikasyon at inisaytibo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pagbibigay ng dekalidad na programa para sa mga guro, mag-aaral at non-teaching personnel ng mga pampublikong paaralan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng DepEd Tanauan City sa pakikipagtulungan nitong maiangat ang antas ng pamumuhay at maabot ang pangarap ng mga kabataang Tanaueño. Habang nagpaabot din ng pagbati ang ating alkalde sa iba pang ahensya at samahan na katuwang ng DepEd Tanauan City upang maisakatuparan ang ibat ibang programa sa kungsod.
Ang nasabing parangal ay taunang isinasagawa sa Lungsod ng Tanauan bilang pagkilala sa angking husay ng ating mga kawani sa implementasyon ng iba’t ibang programa batay sa pamantayang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon at kabilang na ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng Kabataang Tanaueño.
![May be an image of 8 people, dais and text](https://scontent.fmnl24-1.fna.fbcdn.net/v/t39.30808-6/470022625_995659179262412_3199390423274140001_n.jpg?_nc_cat=111&ccb=1-7&_nc_sid=833d8c&_nc_eui2=AeEv10g2OLtoOY5rTxx_9pUy8BY5BsjNUVPwFjkGyM1RU2BC1C7RMiD_D5Z2eJoeIER4tIfGv1to5I70ol6fEGK9&_nc_ohc=dzC70RiZABYQ7kNvgGemEM6&_nc_zt=23&_nc_ht=scontent.fmnl24-1.fna&_nc_gid=AmYx4tm49ExfTbpmw78F43J&oh=00_AYASV9JNDo-mSgXA98v1JUViE3URb-9qizTjqAhHabfK_A&oe=679D68BB)