Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, kinilala bilang Top SUBAYBAYAN COMPLIANT sa 1st CALABARZON SUBAYBAYANI AWARDS!

Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, kinilala bilang Top SUBAYBAYAN COMPLIANT sa 1st CALABARZON SUBAYBAYANI AWARDS!
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, muling nagkamit ng panibagong karangalan ang Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan matapos itanghal ito bilang Top SUBAYBAYAN COMPLIANT LGU para sa Category B-\Cities & Highly Urbanized Cities (HUC) ng kauna-unahang CALABARZON SubayBayani Awards.
Bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod, personal na tinanggap ng ating Chief of Staff Mr. Elmer Perez at ni DILG-Tanauan City CLGOO Charlotte Flor S. Quiza ang naturang parangal kahapon, ika-08 ng Disyembre sa Tagaytay City, Cavite.
Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay bunga ng pinaigting na pagseserbisyo at implementasyon ng mga proyektong panglokal at aktibong pag-uulat sa kasalukuyang estado ng mga ito sa SubayBAYAN System.
Ang tagumpay na ito ay isang inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang paglilingkod ng bawat kawani ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kababayan.
Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous Maigting na paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa implementasyon ng YAKAP-BAYAN PROGRAM, binigyang suporta ni Mayor Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version