Pagtatayuan ng Tanauan City Science Highschool, Inagurasyon ng mga bagong tayong Paaralan at pagtatalaga ng bagong miyembro ng LSB, tinalakay sa 10th Tanauan City Local School Board
Bagaman maulan dulot ng bagyong #KristinePH, tagumpay na isinagawa ngayong araw ang 10th Local School Board na layong talakayin ang iba’t ibang programa para sa sektor ng edukasyon.
Kaugnay nito, kasalukuyan nang tinatalakay ang planong pagpapatayo ng Tanauan City Science Highschool kung saan pinag-aaralan na ang lokasyon nito ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes at ng mga miyembro ng Local School Board katuwang ang City Engineering Office at DepEd Tayo – DepEd Tanauan City.
Sa kabilang banda, kinilala din sa pagpupulong anv bagong PTA Federation President na si Ms. Aileen Agojo mula Tinurik National Highschool PTA Officers.
Habang nakatakda na sa darating na Nobyembre ang karagdagang school buildings sa Lungsod ng Tanauan.
Bukod dito, naghahanda na rin ang DepEd Tanauan City para sa gaganaping General Assembly para sa higit 1,500 mga guro sa Lungsod.
