Pagtatapos ng mga Tanaueñong TESDA Scholars sa ilalim ng Technical-Vocation Training Program, pinasinayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Pagtatapos ng mga Tanaueñong TESDA Scholars sa ilalim ng Technical-Vocation Training Program, pinasinayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
MATAGUMPAY na ginanap nitong nakaraang Biyernes ang pagtatapos ng ating 65 na mga Tanaueñong bahagi ng Welding NC I, II & III, Contact Tracing Level II at Sewing Training hatid ng TESDA Region IV-A at ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO).
Bilang pagsuporta, personal na nagpaabot ng pagbati ang ating butihing Alkalde Sonny Perez Collantes sa mga nagsipagtapos kung saan binigyang-diin nito ang pagsusulong ng mga libreng skills training programs tulad ng Special Training for Employment Program (STEP) na maghahatid ng karagdagang trabaho at negosyo sa lungsod.
Kabilang din sa dumalo ay sina Ms. Analyn Panopio na kinatawan ng TESDA-Batangas, Atty. Cristine Collantes, Atty. King Collantes na nagsilbing kinatawan ni Congw. Maitet Collantes, Ms. Melissa M. Malabanan kinatawan ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad at Konsehal Eugene Yson
Lubos ding nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa walang humpay na pag-agapay ni Congw. Maitet Collantes, TESDA-Batangas Provincial Director Mr. Gerardo Mercado at ng mga sumusunod na training centers sa pagbibigay ng oportunidad upang matulungan ang ating mga kababayan:
• Synergy Assessment and Training Center Inc.
• Excelsior Center for Excellence Inc.
• TESDA Provincial Center-Lipa
• City Cooperatives and Livelihood Development Office (CCLDO)
Previous Nakikiisa ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version