Pagtatakda ng araw para sa pagpupulong kasama ang mga Sagip Pamilya Community Housing Project beneficiaries, tinalakay ngayong araw!
Kasama ang pamunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), tinalakay nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kasama ang Housing and Human Settlement office at City Planning and Development Office ang pagpapabilis ng proseso at requirements para sa mga benepisyaryo nito upang mapadali ang paghahatid ng proyektong pabahay para sa kanila.
Sentro rin nito, ang pagtatakda ng araw para magkaroon ng pagpupulong ang mga benepisyaryo upang maipalawanag ang mga kinakailangang dokumento sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto. Tatalakayin din ang ilang mga usapin para mas maging abot-kaya ang halaga ng Proyektong Pabahay para sa kanila.
Tuloy-tuloy naman ang pakikipag-usap ni Mayor Sonny Perez Collantes sa DHSUD na layong magkaroon ng disente at maayos na tirahan ang mga kababayan nating naninirahan sa mga Disaster Prone Areas sa ating Lungsod.
