Pagtalakay sa mga Programa para sa mga Child Development Learners at Teachers, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang emergency meeting kasama ang mga Child Development Teachers patungkol sa mga aktibidad at programang kasalukuyang ipinatutupad para sa mga Child Development Learners ng Lungsod.

Kabilang sa tinalakay ay ang paparating na Moving Up graduation ng mga CDC Learners at ang matagumpay na supplementary feeding program sa Lungsod.

Bukod dito, bilang suporta ni Mayor Sonny, inaasahan din na magpapaabot ng pondo ang Pamahalaang Lungsod sa mga kagamitan ng ating mga Child Development Teachers partikular na ang kanilang uniporme.

Previous Tulong Dunong at Tertiary Education Subsidy (TES), ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at CHED!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version