Pagpapalakas ng Turismo, tinalakay sa Tourism and Arts & Culture Council Meeting!

Tanauan City Tourism Development Plan at pagbuo mga programa para sa pagpapalakas ng Turismo, tinalakay sa Tourism and Arts & Culture Council Meeting!
Bilang paunang hakbang na pagyabungin pa ang Lokal na Ekonomiya ng ating Lungsod, isa sa binigyang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pagbuo ng Tanauan City Tourism Council upang palakasin at ipakilala ang mga natatanging atraksyon, pagkain at tradisyon na maipagmamalaki ng Tanauan.
Upang mapreserba at pangalagaan ang mga ito, ngayong araw ika-19 ng Disyembre 2024 nagsagawa ng pagpupulong kasama ang iba’t ibang organisasyon na ating kabahagi sa pagsulong na maprotektahan ang ating mayamang kultura at magandang kasaysayan.
Tinalakay rito ang pagbuo ng Tourism Development Plan, konsultasyon sa bawat komunidad at mga pangongolekta ng datos sa bawat Barangay upang alamin ang mga nakatagong pamana at yaman ng Turismo sa ating Lungsod.
May be an image of 3 persones, people studying i text
Previous Mabuhay ang mga Bagong kasal!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved