Pagkilala sa mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Health Office, isang masayang pagtitipon ang pinasinayaan kagabi, ika-13 ng Disyembre kasama ang mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.
Layon ng aktibidad na ito na mapagbuklod ang lahat ng BHW at BNS sa 48 barangay sa pamamamgitan ng consultative meeting upang makapaghatid ng angkop na programang pangkalusugan para sa ating mga kababayan.
Kaugnay nito, kabilang din sa nakiisa sa naturang aktibidad si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng Lungsod na kaaagapay ni Mayor Sonny sa serbisyong publiko sa Lungsod ng Tanauan.
