Pagkilala sa ating Kapulisan!

Pagkilala sa ating Kapulisan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes ang lahat ng mga kawani ng Tanauan PS Pulis kasabay ng kanilang year-end assessment na pinangunahan ni Tanauan City PNP Chief PLTCOL VIRGILIO M JOPIA.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang ating kapulisan sa pag-agapay nito sa lokal na pamahalaan at sa pagsisiguro ng kaligtasan at kapayapaan ng bawat komunidad sa Lungsod.
Kaugnay rito, bilang regalo sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa serbisyo, nagpaabot ng cash incentives ang pamahalaang lungsod.
Kaisa din sa aktibidad na ito sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Atty. Raffy Garcia na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo para sa mga Tanaueño.
May be an image of 7 people and text
Previous “Ang diwa ng Pasko ay 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴, 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻”

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved