Paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong #LeonPH sa Lungsod at preparasyon para sa #Undas2024, tinalakay sa ginanap na Emergency Meeting ngayong araw,
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, nagsagawa ng Emergency Meeting ngayong araw kasama ang mga Department Managers upang alamin ang sitwasyon ng ating mga kababayan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga Evacuation Centers at tiyaking sila ay nasa mabuting kalagayan. Hinikayat niya rin ang bawat isa na magtulungan para sa pag-iisip ng mga kaparaanan para sa mga karagdagan pang tulong na maipapaabot sa kanila.
Bahagi rin nito ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan para sa posibleng maging epekto ng Bagyong #LeonPH sa ating Lungsod.
Asahan na rin ang pagbabalik sa normal ng ating bagsakan kung saan nakatakda nang ibalik ang ating mga manininda at mangangalakal, dahil sa paghupa na ng baha sa nasabing Lugar.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang Road Clearing at paglilinis sa iba’t ibang Barangay dulot ng nagdaang bagyo.
Pinaghahandaan na rin sa naturang pagpupulong ang nalalapit na UNDAS at pagpaplano para sa Traffic route para sa posibleng pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo sa Tanauan.
