Orientation and Consultative Meeting kasama ang mga Newly-hired Employees ng City Government of Tanauan!
“Mahalin niyo ang inyong trabaho, kayo ang susi para sa mas maunlad na Lungsod ng Tanauan!”
Isang pagpupulong ang naganap ngayong araw para sa ating mga Newly-hired employees sa Pamahalaang Lungsod. Masayang kinamusta ni Mayor Sonny Perez Collantes ang bawat isa at nagpaabot ng mensahe para sa kanilang mga karagdagang benepisyo bilang kaagapay sa paghahatid ng serbisyo publiko sa ating mga mamamayan.
Kaniya ring hinikayat ang mga kawani na patuloy na magtulungan na mapangalagaan, umagapay at maghatid ng mas mahusay at dekalidad na serbisyo sa Lungsod ng Tanauan.
Dito, pinasalamatan din nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes ang bawat isa para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon upang pagsilbihan ang bawat pamilyang Tanaueño.