Oathtaking of new 25 promoted Tanauan Government Employees

“Keep up the good work, you are key for the better Tanauan City”

Dalawampu’t Limang (25) promoted na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pormal na nanumpa ngayong umaga sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao katuwang ang City Human Resource and Development Office.

Sila ang kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng mas malawak at magagandang programa para sa ating mga mamamayang Tanaueño.

Dito, ipinaalala ni Mayor Sonny sa kanila na mahalin ang kanilang sinumpaang tungkulin at maging kabahagi para sa mga magagandang adhikain para sa ating mga kababayan at maging kaisa sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan!

Pinasalamatan naman ng ating City Administrator ang bawat isa para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo para sa ating Lungsod.

Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang pagbati para sa inyong Tagumpay!

Previous 7th PWCC Batangas INC Meeting with Atty. Cristine Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved