Oathtaking ng mga Promoted na mga Guro, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang 20 na mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Ang mga nasabing guro ay kasalukuyang naka-deploy at katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa mga pampublikong paaralan upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Kasabay nito ay taos pusong nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod dahil sa kanilang dedikasyon at pakikipagtulungan upang masigurong dekalidad ang edukasyon ng bawat Kabataang Tanaueño.