Oathtaking ng mga Newly-hired at Promoted na mga Guro, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang 14 na mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Nagsilbing saksi sa mahalagang aktibidad na ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng programa sa larangan ng edukasyon.
Ang mga nasabing guro ay kasalukuyan nang naka-deploy at katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa mga pampublikong paaralan upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Kasabay nito ay taos pusong nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod dahil sa kanilang dedikasyon at pakikipagtulungan upang masigurong dekalidad ang edukasyon ng bawat Kabataang Tanaueño.
