OATH TAKING CEREMONY | TANAUAN CITY ADVISORY COUNCIL (PNP)

OATH TAKING CEREMONY | TANAUAN CITY ADVISORY COUNCIL (PNP)
Tagumpay kahapon, ika-30 ng Setyembre ang isinagawang Oath Taking Ceremony para sa mga bagong miyembro ng Tanauan City Advisory Council for PNP. Ito ay ginanap sa Tanauan City Police Station Conference Room sa Mayapis St. Poblacion III kung saan pinangunahan ito nina PCpl Ivan kenneth de Ocampo, PMAJ Aldrin V. Atienza at Advisory Council Chairman Atty. Anna Marie T. Querrer.
Ang seremonya ay naglalayon ng aktibong koordinasyon ng hanay ng mga pulis at Pamahalaang Lungsod—sa pangunguna ng ating Mayor Sonny Perez Collantes, upang mapanatili ang kaayusan at masiguro ang seguridad ng mga mamamayan sa lungsod. Ibinahagi rin ni PMAJ Aldrin V. Atienza ang PNP P.A.T.R.O.L PLAN 2030 kung saan misyon nitong mas mapaigting ang kapasidad ng pulisya sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo sa publiko. Nanindigan naman ang mga bagong miyembro, na sa abot ng kanilang makakaya ay handa silang umagapay at makipagtulungan sa PNP para sa ligtas at payapang komunidad ng Tanauan.
Ang mga bagong miyembro ay mga kawani at opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod kabilang na ang City Information Office OIC—Mr. Daniel Paul. H. dela Piedra, Schools Division Superintendent OIC—Mr. Rogelio Opulencia at TODA Federation President—Mr. Romeo P. Tuzon. Dumalo rin si Konsehal BGEN Ben Corona (Ret) na tumatayong Chairperson ng Peace and Order Committee ng Sangguniang Panlungsod.
Previous TINGNAN | Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Ambulong!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version