Newly-renovated Tanauan City Vendors’ Market, bukas na sa publiko!
Mas malinis, maayos at organisadong Tanauan City Vendors’ Market ang maaari nang puntahan ng ating mga Tanaueño matapos isagawa ang opening ceremony nito na pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo “Dodong” Panganiban ABLAO katuwang ang Ccldo Tanauan.
Ang nasabing renobasyon ng mga stalls at kalsada sa gilid ng Victory Mall ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny sa ilalim ng #KabuhayanAtTrabaho na layong bigyan ng maayos na lugar ang ating mga maliliit na negosyante para maitinda ang kanilang mga produkto.
Nakiisa rin sa naturang aktibidad sina Konsehal Czylene Marqueses, CDRRMO OIC Ms. Chevy Menguito, SK Federation Vice President Clarence Micosa, Dating Kapitan ng, Dating Kapitan ng Barangay Mabini Eboy Alcantara, Barangay BWCC President Ms. Lilibeth Arcega at dating Kapitan ng Banjo West Mr. Macky Gonzales.