Sa pagtatapos ng paggunita sa Lungsod ng Tanauan ng National Children’s Month, pormal na pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang culminating activity nito kung saan kinilala ang mga bagong halal na kinatawan ng Kabataan sa Barangay Council for the Protection of Children ng Tanauan.
Kabilang sa mga bagong BCPC Child Representatives ay sina:
• President – Sophia Mendoza (Brgy. Ulango)
• Vice President – Daniela Jamie Regalado (Poblacion 5)
• Secretary – Margie Trisha Anciado (Darasa)
• Treasurer – Emma Eunice Benito (Banjo West)
• Auditor – Hanna Jhaira Manaig (Montaña)
Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang pamunuan ng iba’t ibang samahan, mga child development teachers, VAWC officers at mga magulang sa pakikiisa nitong masigurong napahahalagahan ang karapatan at nabibigyang-boses ang kabataan.
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas
