SIGLAWUAN 2024!

National Tourism Month, ipinagdiwang sa Tanauan sa pamamagitan ng SIGLAWUAN 2024!
Kaugnay sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mas maipakilala ang maya Ang turismo sa Lungsod ng Tanauan, sabayang isinagawa ngayong araw ang iba’t ibang aktibidad sa Lawa ng Taal bilang paggunita sa 3rd SIGLAWUAN o Siglang Lawa ng Taal na ginanap sa Brgy. Gonzales katuwang ang Community Affairs Office at Tourism Division.
Tampok dito ang pag-alala sa kaarawan ng ating Birheng Maria sa pamamagitan ng isinagawang Karakol ng mga Tanaueña, 2nd Marian Fluvial Parade at pagpapalipad ng Rosary Balloon na pinangunahan ni Atty. King Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny.
Samantala, nasaksihan din ang pasiklaban sa galing sa kusina ng ating mga Tanaueño Civil Society Organizations sa pamamagitan ng Pasikatan sa Kusina at Nilupak with a twist.
Bukod dito, nasaksihan din ang gilas at liksi ng ating mga bangkero sa pamamagitan ng taunang kayak race at bangkakera sa Lawa ng Taal.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang ating mga kabataang Tanaueño na maipakita ang kanilang husay sa sports sa pamamagitan ng Beach Volleyball, Sepak Takraw at iba’t ibang Palarong Pinoy.
Ang nasabing programa ay isa sa mga progresibong hakbang ng ating Mayor Sonny upang mapalakas ang turismong hatid ng ating Lawa ng Taal at kulturang Tanaueño.
Kabilang sa nakibahagi sa programang ito ay ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor tulad nina ERPAT President Kon. Tirso Oruga, Mr. Marco Amurao, Mr. Macky Gonzales, Department Managers, at mga kapitan ng iba’t ibang barangay sa Lungsod.
May be an image of 10 people and text
Previous Ulat bayan ni Mayor Sonny Perez Collantes patungkol sa mga aktibidad

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved