Relief packs para sa mga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH!

National Grid Corporation of the Philippines, nagpaabot ng relief packs para sa mga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH!
Mula sa pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa tanggapan ng National Grid Corporation of the Philippines, pormal na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang handog na relief packs
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang nasabing pamunuan sa pakikipagtulungan nitong mabigyan ng ayuda ang ating mga kababayan.
Matatandaan na isa ang Lungsod ng Tanauan at mga karatig bayan nito sa lubos na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH kung saan maraming kabahayan ang binaha at nasira.
Previous Paggunita sa 18-Day VAW-Free Campaign, pinaghahandaan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved