National Dental Health Month!

Programa para sa mas ligtas at malusog na kabataang Tanaueño, handog ni Mayor Sonny bilang pakikiisa sa pagdiriwang National Dental Health Month!
Bilang pakikiisa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa selebrasyon ng National Dental Health Month, nagsagawa ng programa ang City Health Office ng “Search for Orally Fit Children” upang mamahagi ng Toothbrush, toothpaste at mga Vitamins katuwang ang PALMOLIVE Philippines Inc. at MediRX.
Kabilang sa mga naimbitahan ang mga bata mula Day Care students upang mabigyan ng sapat at wastong kagamitan para mapangalagaan ang kanilang katawan at mga ngipin. Sa isang mensahe, inihayag ni Mayor Sonny na patuloy na lilikha ng mga aktibidad ang Pamahalaang Lungsod para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa sektor ng kalusugan. Dagdag pa niya, ang isinagawang programa ay kabilang sa mga paghahanda ng Lokal na Pamahalaan upang mapangalagaan ang ating mga kabataan tungo sa magandang bukas ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Pagbuo ng malawakang programa para sa mag-aaral ng Tanauan City College

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version