Natatas Senior Citizens Association Monthly Meeting
Nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC Pesident Atty. Cristine Collantes sa ginanap na buwanang pagpupulong ng mga miyembro ng Natatas Senior Citizens Association ngayong araw.
Bahagi ng kanilang pagpupulong ang isinagawang consultation sa ating Punong Lungsod patungkol sa mga programa na kanilang ibababa para sa kanilang mga miyembro.
Bukod dito, ibinahagi din nila ang kasalukuyang naghahanda na rin ang Natatas Senior Citizens Association para sa kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Week sa Lungsod ng Tanauan sa susunod na Linggo.
Samantala, mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang ang patuloy na paghahatid ng mga benepisyo para sa kanilang sektor at mangangalaga sa kanilang kapakanan.