Disaster response ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa nagdaang bagyo!

TINGNAN | Kaugnay pa rin sa kasalukuyang disaster response ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa nagdaang bagyong #KristinePH, nagsagawa ngayong umaga ng pagpupulong sa pangunguna nina City Administrator Atty Ferdinand Perez bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga department managers at kinatawan ng iba’t ibang ahensya.
Kabilang sa tinalakay rito ang mga sumusunod:
• Relief Operations at Relief Packs Distribution para sa lahat ng emergency evacuation areas na kasalukuyang pinaglalagian ng ating mga Tanaueñong naapektuhan ng bagyp
• Search ad Retrieval Operation na isinasagawa sa Sitio Mahabang Buhangin katuwang ang mga kawani ng Tanauan CDRRMO, Tanauan City Police Station at Bfp Riva TanauanCity Fs
• Pagtalakay sa inisyal na pinsala na idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura at livestocks
• Pagsusuri sa mga establisyemento at imprastruktura sa Lungsod.
• Malawakang road clearing sa iba’t ibang barangay
• Tuluy-tuloy na flood pumping sa Tanauan City Trading Post
• Pagtatakda ng mga emergency camp managers para sa mga evacuation areas
• Karagdagang gamot para sa mga evacuees at pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga lugar na tinutuluyan
Bukod dito, naghahanda na rin ang finance committee ng lungsod patungkol sa mga pondong ilalaan para sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan ngayong nasa ilalim pa rin ng State of Calamity ang Lungsod ng Tanauan.
No photo description available.
Previous TRAFFIC ADVISORY | UNDAS 2024 TRAFFIC ROUTE

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved