Nagkakaisang Tanaueño ng Brgy. Bañadero tungo sa mas Maunlad na Tanauan!
Ramdam ang pagkakaisa at kasiyahan ng bawat mamamayan ng Brgy. Bañadero sa kanilang Year-End Assessment kasama sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Mr. Lucky Manzano at 1Munti Partylist 1st Nominee Atty. Raffy Garcia.
Bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pasasalamat sa dedikasyon sa serbisyong publiko ang ipinaabot ni Atty. Cristine sa Sangguniang Barangay ng Bañadero sa pamumuno ni Kap. Jimmy Lalap.
Kaisa din sa pagtitipon na ito ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na katuwang ni Mayor Sonny tungo sa mas epektibong implementasyon ng mga programa ng lokal na pamahalaan na mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga mamamayan sa bawat komunidad.
