Nagkakaisang PWDs para sa Lungsod ng Tanauan!
Kaugnay sa paggunita ng International Day of Persons with Disability sa Lungsod ng Tanauan, personal na nakisaya si Mayor Sonny Perez Collantes sa inihandang aktibidad ng lokal na pamahalaan katuwang ang Pdao Tanauan para sa ating persons with special needs.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang patuloy na pakikiisa ng kanilang sektor tungo sa mas magandang bukas ng Lungsod at ng bawat Tanaueño.
Bukod dito, binigyang-diin din ni Mayor Sonny ang paghahatid ng malawakang programa’t serbisyo para sa kanilang sektor partikular na ang medikal na pangangailangan at benipisyo batay sa ating batas.
